I L-O-V-E Volleyball!! hehe.. Ever since na-introduce itong laro na ito sa akin noong elementary days ko, I wished na sana magiging magaling ako sa larong ito balang araw! (with all the good receptions, sets at service..) Naglaro na ako nito noong elementary as part of the varsity team ng school namin competing with other schools... Pagka-high school, nawala ang concept ng varsity kasi hindi nagpaparticipate ang Pisay sa mga athletic competitions... Pero at least consistent akong kasama sa 1st six ng volleyball team ng batch namin tuwing Intrams! hehe... Naisip ko dati na pagtungtong ko ng college, mawawala na ang "career" ko sa paglalaro ng volleyball.. Pero iba ang nangyari.. Mas marami akong nakilalang mahilig at magaling din sa volleyball dito sa UP AT sa Kalai.. Marami akong nakilalang bagong kaibigan dahil sa paglalro lang ng volleyball.. When you know people who share the same interests with you, siguradong madali lang magkaroon ng bagong kaibigan.. hehe.. Sobra talaga ang pagmamahal namin sa V-ball kasi tuwing hapon at kung walang exam, naglalaro kami nito hanggang gumagabi na (mga hanggang 7pm).. Natututo na akong pumatay ng bola (jump spike) dahil sa pakikipaglaro ko sa kanila.. Oh di ba? Volleyball at heart talaga!
>>>
Pagpasok ng second sem, isa ang volletball sa mga pinagkakaabalahan ko!.. hehe... Una, sa pagsimula ng second sem, eh nagkaroon kaagad ng Kalai Sportsfest '06 na inabot ng 2 buwan para matapos.. Sa Sportsfest, magkakagrupo ang isang corridor sa boys' wing at isang corridor sa girls' wing upang maging isang team na kakalabanin ang ibang teams.. Siyempre ang naging partner corridor namin eh ang magaganda, malalakas at maiingay na B.A.! hehe... Wala Atang Dadaig Sa Unang Palapag at B.A. ang naging team name namin! (pero in short, WADS UP B.A. na lang).. Anyways, kasama ako sa men's volleyball team ng WADS UP B.A.. Sabihin na nating ang team namin ay isa sa dalawang pinaka-kinatatakutang teams sa volleyball (humble na yan ha)... Nagkaroon ng round-robin sa volleyball kaya sige lang ang paglalaro ko... Ang saya talagang maglaro ng volleyball, lalo na kung alam mong mananalo kayo! hehe.. Siyempre ang teams na umabot sa Finals eh yung dalawang magagaling (at isa kami doon).. hehe.. Inabot kami na 5 sets before nalaman kung sinong panalo... Nakuha namin ang 1st and 2nd set at nakahabol ang kabila sa 3rd at 4th set.. Sa 5th set, nag-deuce pa talaga kami! Intense talaga ang game! Pero ang nanalo ay yung other team (16-14 ang huling score)... Naging malungkot kami pero naging OK ang lahat nung narinig namin ang comments ng audience.. Sobrang galing daw ng dalawang teams at naging sobrang ganda daw ang laban.. May nag comment din na better daw siyang panoorin kay sa Finals ng basketball.. Kung ikaw ang makarinig ng ganyang comment, para ka naring nanalo!.. hehe..
>>>
Pagdating ng February, nagkaroon naman ng inter-dormitory games para sa men's and women's basketball at men's and women's volleyball.. Siyempre ang kailangan eh yung mga magagaling talaga kasi siyempre ang i-rerepresent mo ay ang buong dorm mo na, in my case ang buong Kalai... Kaya't nag-join forces ang mga magagaling sa bawat team noong sportsfest para bumuo ng panibagong team na magdadala ng pangalan ng Kalai.. May 10 dorms sa UPD.. Ito ay ang Kalai (freshmen dorm), Yakal at Molave (coed undergrad dorms), Narra (all-male dorm), Sampaguita, Kamia, at Ilang-Ilang (all-female dorms), Ipil-Ipil at Sanggumay (graduate dorms), at ang panghuli, ang International Center (dorm ng mga foreign exchange studs)... Gabi-gabi eh may mga 3-4 laro na gaganapin sa iba't ibang dorms.. Ang lahat ng Vball games ay gaganapin sa magandang court na nasa Yakal.. Alam namin na ang kilabot pagdating sa Men's volleyball ay ang Yakal.. Ang hirap nilang talunin.. Lahat sila marunong at malakas pumalo!.. Kaya't no doubt na sila nga ang nagchampion.. Masaya ako at kasama ako sa Vball team ng Kalai.. Masaya ako at nagkaroon kami ng jersey na sobrang iksi ang shorts (pekpek shorts daw tawag doon sabi ng mga taga-Yakal.. haha!).. Masaya ako at nabigyan ako ng pagkakataon na makipaglaro kasama ang mga magagaling sa ibang dorms.. Kahit na 4th lng kami, at least nakakuha kami ng dagdag na experience at natuto kami sa mga players ng ibang dorms!..
>>>
Dahil sa lahat ng volleyball stuff na ito, naisipan kong sumali sa UP Volleyball Club (UPVC).. Oh di ba? Volleyball at heart na talaga! Doon matututo talaga ako ng husto! May mga nag-imbita kasi sa aming mga members ng UPVC noong nag-interdorm games kami.. hehe.. Ang saya talaga! Kasabay ko si Angela at mga Kalai friends next sem sa pag-apply! hehe... So excited! hehe... Sige guys, next time ulit!.. Ciao!!
mark @
1:26:00 PM
::-adonis::-
::-alec::-
::-archie::-
::-ayesha::-
::-cecile::-
::-christian::-
::-cj::-
::-crystal::-
::-danica::-
::-davie::-
::-edward::-
::-hubert::-
::-jacques::-
::-kamille d.::-
::-kathleen::-
::-kbo::-
::-kit::-
::-leonil::-
::-lloyd::-
::-luis::-
::-mara::-
::-mark::-
::-reysa::-
::-sara::-
::-sharon::-
::-teetin::-
::-toni::-
::-wildboyz::-
Design (Brushing, Layout, Coding)
-=|Solistice|=-
Images (From Google & Yahoo)
This and That
Also Thanks (Some Reference)
#10 } untitledBEAUTY | V2 `
-Chronicles(:
Also Thanks (Inspiration)
The Great Tommy