WACKY DAY ! !There are some wierd people walking around UPD today, and they are not the Fine Arts students... hehe... Kami yun, mga residente ng Kalayaan Residence Hall, na naglalakad sa buong UPD suot ang aming mga weirdo costumes... Bakit? Yun ang paraan na naisip ng Kalai upang ipaalam sa mga tao na Open House ng Kalai kinabukasan.. Naghahanap kasi kami ng paraan para mahuli ang atensyon ng mga tao.. Oh di ba? Sino kaya ang hindi mapapalingon kung nakasalubong mo si Dark Vader (Allan J.) sa daan? O di kaya'y si Mr. Bean (si Dodong yun!)? Hehe.. Ang saya saya talaga ng araw na ito..
7am ay nagising na ako dahil sa ingay ng mga tao sa labas.. Nagsisigawan at nagtatawanan na ang mga tao kasi lalabas na sa Kalai ang unang batch na rarampa with their costumes... 7am kasi ang unang sked ng klase sa UP kaya ganun... Di lang pala ako ang maagang nagising kasi paglabas ko sa room, parang nasa labas na ng corridor ang mga floormates ko.. Maagang nabuhay ang Kalai ngayong araw na ito.. Hehe...
Pero ang hinihintay ng lahat eh ang mga lalabas ng 8:30am... Yun kasi ang oras kung saan karamihan sa mga taga-Kalai eh pupunta na sa klase, at kadalasan sa mga yun eh papunta pa ng Math Building... Isa ako sa mga mapalad na nilalang na yun.. GRABE TALAGA!! All sorts of styles, designs, concepts at kagagguhan makikita mo! May taong suot-suot ang bandila ng Pilipinas (room mate ko yun!), nandiyan si Spongebob (as in Spongebob talaga!), si Pochahontas (si Ruth naman yun), runaway bride (Kikay) at nag-scarecrow (si Sigfred)! May nag beauty queen rin (Trisha at China), nag Lara Croft: Tomb Raider (Aie), si Goku (Alkaid), nag- Angel at Devil (ang mag room mate na sina Rom at Jumar), si Sailormoon (Nicola) at marami pang iba... Uso sa mga kalalakihan (bading man o lalaki talaga) ang mag-cross dress.. Crossdress ba kamo? Yun nagdadamit babae sila... hehe.. Hardcore pa din naman sila kung maka-crossdress... Micro mini skirt, at tube with matching heels pa! Samahan mo pa ng mga dangling earrings at mga head dress! Naku, nagmistulang fashion show ng mga sexying KABAYO ang Kalai!!.. hehe.. Meron di naman yung mga lalaking suot lang eh boxer shorts papunta ng klase, mga sports junkies at anime freaks!.. Sa mga kababaihan naman eh talagang di mawawala ang mga fairies with their ever-so-pretty-and-colorful wings and wands, mga naka-girl scout, mga nagdamit-lalaki at mga babaeng suot ang dating high school uniform (isama mo sa grupong yan si Davie na suot ang Pisay uniform..)! Hehe... Nakakatuwa yung nagdamit ng lady guard (si Nina) na hiniram niya pa kay Ate Edith (yung totoong lady guard ng Kalai)... Nandiyan rin ang mga katulong na totoong pagsisilbihan ka! hehe... Sa mga maliliit at cute, ano pa ba ang pwede nilang gawin kung hindi ang mag damit bata! Ang cute-cute talaga nila Mark O., Ann-Ann at Val! hehe...







Grabe marami pa akong gustong ilarawan na mga taong tunay namang nakakatuwa ang suot sa araw na ito.. Konti pa lang ang mga nabanggit ko sa lahat ng nakita ko... Ngayon nga eh bibigyan ng award ang mga taong pinaghirapan talagang gawin ang kanilang mga costumes... hehe... Kung gusto niyong malaman ang suot ng mga taong hindi ko pa nabanggit, heto ang ilan sa kanila:
>Pearl = swimmer with matching salbabida
>Dareen = daster na pangtulog
>Jobo = magsasaka effect with matching barefoot kung naglalakad
>Andy = naka bath robe
>Hadee = rebelde na may kasama pang armalite
>Jacques = Hapon na pula ang mukha
>Maynard = militar
>Ako = nitibong laking-Maynila
>Renel = Zorro with the cape, mask and sword
>Lloyd = silver robes at mukhang puti (scary!)
>Luis = baliktad ang pagkasuot ng damit (brief sa labas!)
>Cecile = cross dress (super TIBO ang dating!)
>Mara = batang nabuntis at iniwan ng asawa
>Sara = sosyal na taong grasa (super gusgusin talaga pero naka-shades at I-Pod, asteeg!)
>Carl = ready-to-sleep (with matching kumot at unan)
at sa iba na hindi ko nabanggit, either hindi ko sila nakita o nakalimutan ko lang talaga... hehe... Pero susubukan kong tandaan yung suot ng iba...
sa mga Kalai friends naman:
>Ace = ewan, indescribable! (salakot na may shells with magic staff)
>Jom = sexying bading (super miniskirt)
>Ken = Dark magician
>Rovie = Harry Potter
>Jordan = 70's effect (bootleg pants na fitting, haha!)
>Micmic = psycho lab technician
>Klarbz = green fairy (Fauna)
>Tine = pink fairy (Flora)
>Ayne = taong grasa
>Fhamaye = damit bata
> and a lot more!!
Hehe, isa talagang di malilimutang experience ang Wacky Day... Haha... Uy, bisitahin niyo naman kami bukas sa Open House ng Kalai.. Punta ka ha!!! Sige guys, next time ulit!